Saan? Kailan? Kanino?

“While writing this introduction, I emailed Ben to ask what attracted him to the Philippines.

[…]

Ben replied:

” I think that living in America, and having long
experienced … the katarantaduhan of Washington in other places made me think
I should really study the American colony.
Why did the benighted backward Spanish colony produce Mabini, Rizal,
Luna, De Los Reyes, et.al., and the “progressive” American one
produce nothing comparable.  Why was the
US-established political system so lousy and long lasting? […]

He concluded his letter with a question that many of us
continue to grapple with:

“How could a country with so many gifted,

so many nice people, end up in such a mess.”1

______________

1.   Introduction written by Patricio Abinales titled “Benedict Anderson in the
Philippines” in the book “Imagined Communities” by Benedict Anderson, Revised Edition (2005), xxvi.

sabi ko, hindi na ako magpapa apekto sa mga nangyayari sa pulitika ngayon.  nakakapagod na kasi.  nakakasuka.

[…]

nakakagalit. nakakakulo ng dugo talaga ang lahat ng mga nasisiwalat.  pero ano nga bang bago?  matagal na naman nating alam na nasa sistema na talaga ang korupsyon.  kumbaga, natural na ito, hindi maiiwasan, hindi mawawala.  sa isang banda, tama.  pero sa kabilang banda, sa pagsasabi na ang lahat ng katiwalian sa gobyerno ay hindi na matatanggal, para na rin nating sinabing, walang pag-asa.  wala na tayong magagawa.  bakit pa kikilos?

inaamin ko na isa na ako sa mga taong nagsasawalang kibo.  wala nang pakialam.  pero kamakailan, narinig ko ulit ang isang lumang kasabihan at tinamaan ako nito sa gitna ng mga nangyayaring kaguluhan: “ang isang paraan upang ang kasamaan ay magtagumpay, ay ang pagsasawalang bahala ng mga mabubuting tao.”

ayokong maging hindi parte ng lipunan. hindi maaari dahil ginagalawan ko ito.  ngunit, tuwing naiisip ko na kailangang kumilos, lagi akong nahihinto ng isang dambuhalang katanungan: paano?  parang ang daming pwedeng gawin, pero saan magsisimula?  oo, alam ko, maraming organisasyon na pwedeng salihan na maaaring , alam ko dahil sinubukan ko nang sumali sa ilan, pero parang ang dami pa ring kakulangan.  marahil masyado rin akong madiling mainip o masyado pa rin ‘idealistic,’ pero hanggang ngayon pa rin kasi, hindi ko mahanap ang mga kasagutan.

hindi planado ang sanaysay na ito.  sa totoo, ang tanging dapat na papadalhan ko lamang nito ay ang aking mga malalapit na kaibigan.  hindi pa nga sa ganitong paraan kundi magpapadala lamang ako ng mga liriko ng mga kantang sa tingin ko ay naaakma sa
kasalukuyan, pero ewan ko, may sariling utak ang aking mga kamay sa ngayon at bigla na lamang gumawa nitong nobela.

hindi ko sadyang manita, manermon o mangonsensya.  ang tanging layunin lamang ay ang makapaglabas ng saloobin.  ito ay mga
lumilipad lamang na mga ideya sa aking isip ngayong gabi.  kung nais niyong magpahayag ng komento, salamat.  kung ayaw niyo, di ako
namimilit.  ok nang malaman na nakarating pa nga kayo sa dulo ng sanaysay na ito.

tapos na ang layunin ko, kahit papaano, naihinga ko na ang mga nasa utak ko.  marami pa akong mga katanungan, marami pang kailangang bigyan ng kaliwanagan, pero hanggang dito na lamang muna.

narito na ang umaga.

* * *

Sayaw Sa Bubog by The Jerks

Buwan ng Pebrero / Buwan ng pagbabago / Anong klaseng pagbabago / Ano sa palagay mo? / Bumaha ng pangako / Lason ay isinubo / Tuloy sa pagkakapako /  May utang pati apo  / Kasinungalingan / Isang kahangalan / Walang libreng kalayaan  / Ito’y pinagbabayaran / Palabas na moro-moro / Ito kaya ay totoo?  / EDSA ng pagbabago / Saan, kailan, kanino? / Sayaw, sayaw, sayaw sa bubog / Ang naglalakad ng tulog / Ay tiyak na mauumpog / Tuloy ang ligaya / Sa iba’t ibang hacienda / Manggagawa’t magsasaka / Kumakalam ang sikmura / Sari-saring kaguluhan / Nakawan, karahasan / Kailan n’yo titigilan / Buwan ng Pebrero / Buwan ng pagbabago / Anong klaseng pagbabago / Saan, kailan, kanino?

* * *

Burning Streets of Love and Hate by Dicta License

From the depths of the third-world / insurrection arouses / as the Lord gathers prayers from the masses / The schism of the people (with Left and Right speakers and the demons denying the truth of their actions) / Power play is certain / Money the burden / Creating a rupture and leaving it open / The people divided / conquered within / Burning streets of love and hate / – for us, for you, for all time / What the fuck is position? / the position you gain / who the fuck is to blame? / Now you all turn aktibista / for a leader—another agenda to gain / that political power / disrupting the national order / The Left and the Right are circling above and breaking the peace / From the depths of the third-world / voices echo the streets / remembering the past when minds begged to speak / The schism of the people (with Left and Right speakers and the demons denying the truth of their actions) / Power play is certain / Money the burden / Creating a rupture and leaving it open / The people divided conquered within / There is no freedom

– reposted blog excerpt from 2008

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s