Ochenta, Nobenta

“matanong ko lang nung bata ka ba kinagat mo din ba ung bakal ng monggol pencil mo para lumabas ang eraser at makapagbura ka?  pinapapak mo din ba yung milo?  kumakanta ka din ba sa harap ng electric fan? sinisilip mo din ba noon yung ref kung mamamatay yung ilaw habang sinasara? at nagsusulat ka din ba ng panggalan sa maalikabok na sasakyan?

napangiti ka noh? ako din eh. may katotohanan diba?”

 ***

Ito yung isang post ng isang kakilala ko sa facebook noong isang gabi.  At oo, napangiti ako kasi lahat nung binanggit niya ginawa ko!  Nakakaaliw! J  May nagbigay sa akin ng isang email na halos ganito rin yung laman dati.  Kung lumaki ka noong dekada nobenta, malamang maaaliw ka rin.

* * *

Ito ang mga huling taon ng dekada 80 at ang mga unang taon ng dekada 90.  Ito ang panahong uso pa ang makiuso.  Kung ginagaya mo ang style ng mga artista, hindi ka tatawaging jologs.  Ito ang panahong tapos na ang martial law, pero malayo pa ang new millennium.  Hindi pa high-tech pero di naman old fashioned.  Saktong-sakto lang.

Ito ang panahon natin.  Pero pano mo malalaman kung kabilang ka sa henerasyong ito?  Narito ang listahan na makakapagpatunay if you’re one of us.

R U?

  1. Paborito mong panoorin ang Shaider, Bio-Man, Maskman, Mask Rider Black, Machine Man at kung anu-ano pang TV sitcom ng Japan na isinalin sa Tagalog.  Break muna sa mga laro kapag alas singko ng hapon tuwing Sabado dahil panahon na para sa superhero marathon.
  2. Alam mo ang jingle ng Nano-Nano (isang kending lasang champoy)
  3. Nanood ka ng Takeshis Castle at naniwala kang si Anjo Yllana talaga si Takeshi at si Smokey Manaloto ang kanyang alalay.  (Pinag-iisipan mo pano sila lumalaban sa final challenge na parang nakasakay sila sa isang bumpcar at nagbabarilan sila gamit ang water gun gayong
    sa Japan ginagawa yun eh taga Pilipinas sila?)
  4. Alam mo ang pa-contest ng Kool 106 na uulit-ulitin mong bigkasin ang 106, Kool 106 hanggang maubusan ka ng hininga.
  5. Naglaro ka ng Shake-Shake Shampoo, Monkey-Monkey-Annabelle, prikidam 123, Langit-Lupa-Impyerno, Syato, Luksong-Tinik, Luksong Baka, 10-20 at kung anu-ano pang larong nakakapagod.
  6. Pumunta ang mga taga-Milo sa skul niyo at namigay sila ng samples na nakalagay sa plastic cup na kasing laki nung sa maliit na ice cream (at nagtaka ka, bakit hindi ganito ang lasa ng MILO kapag tinitimpla ko sa bahay naming?)
  7. May malaking away ang mga metal (mga punks na naka itim) at mga hiphop (mga taong naka maluwang na puruntong na kahit Makita na ang dalawang bundok)  Nag-aabangan sa mall na may dalang baseball bat at kung anu-anong sandata.  Sikat ang kasabihang, “Punks Not Dead!” Pero kung gusto mong mag play safe, puede mong tawagin ang sarili mong HIPTAL.
  8. Alam mo ang universal uwian song na “uwian na!” na kinakanta sa tono ng parang doon sa kinakasal.
  9. Nagpauto ka sa Baibot pero hindi sa ATBP.
  10. Nakipag-away ka para makapaglaro ng brick game (high tech nay un noon!)
  11. Ang text noon ay mga 1×1.5 na karton na may mga drawing ng pelikulang pinoy (at may dialog pa!)
  12. Dalawa ang todong sumikat na wrestler, si Hulk Hogan at si Ultimate Warrior.  Naniwala ka rin na namatay si Ultimate Warrior nang buhatin niya si Andre the Giant dahil pumutok ang mga ugat niya sa muscle.
  13. Nagsayaw ka ng running man at kung anu-ano dance steps na nakapagmukha sa’yong tanga sa saliw ng kantang Ice Ice Baby, Wiggle It, Pray, at Can’t Touch This.
  14. Hindi ka gaanong mahilig sa That’s Entertainment at pinapanood mo lang ito tuwing Sabado kung saan nagpapagandahan sila ng production numbers ang Monday hanggang Friday group. (at bad trip ka sa Wednesday group dahil pinakabaduy lagi ang performance nila!)
  15. Napaligaya ka ng maraming pinoy bands tulad ng Yano, Rivermaya, Grin Department, Tropical Depression, Teeth, The Youth, After Image, Orient Pearl, The Dawn, Alamid, Wolfgang, at ang sikat na sikat na Eraserheads (at aminin mong nakinig ka ng Siakol!)

    rivermaya: rico blanco, nathan azarcon, mark escueta, bamboo manalac (minus perf de castro) photo courtesy of rockpinoy.com

  16. Kilala mo ang Smokey Mountain (1st and 2nd generation)
  17. Hindi pa uso ang sapatos na may gulong.  Noon, astig ka kapag umiilaw ang swelas ng sapatos mo tuwing ia-apak mo ito.  Tinawag ring itong Mighty Kid.
  18. Kung lalaki ka, sikat na sikat sa’yo ang mga larong text, jolens, dampa (mga unang anyo ng pustahan), saranggola, at ang dakilang manika niyo ay si GI Joe with alipores.
  19. Kung babae ka naman, ang mga laro mo with your girlfriends ay lutu-lutuan, bahay-bahayan, doctor-doktoran, at kung anu-ano pang pagkukunwari.  Ang dakilang manika mo ay si Barbie (sikat ka kung meron kang bahay, kotse at kabaong ni Barbie.)
  20. Naniwala kang orihinal ang isang cap kapag may walong tahi sa visor nito.
  21. Swerte ka kapag panghapon ka dahil masusubaybayan mo ang mga paborito mong cartoon show tuwing umaga tulad ng Cedie, Sarah, at Dog of Landers a.k.a. Nelo.   (Hindi ka ba nagtataka na sa lahat ng mga bida sa cartoons na ito, si Nelo lang ang di yumaman at namatay pa ng maaga?)
  22. Alam mo ang ibig sabihin ng TIME FIRST.
  23. Tinikman mo ang nectar ng santan at pumipitas at kumakain ng aratilis.
  24. Hinihipan mo ang betamax tape pag ayaw nitong gumana nang maayos.
  25. Marami kang nababalitaan na mga babaeng nanganganak ng isda, ahas, at kung anu-ano pa.  Uso rin ang mga manananggal noong mga panahong iyon.

Bakit kaya ganoon?  Kahit saang lupalop ka ng Pilipinas naroon, eh nakaka-relate ka sa mga pinagsasasabi ko.  Siguro’y dahil wala pang cable at kakaunti lang ang pagpipiliang channels kaya pare-pareho tayong pinapanood.  Maaaring wala pang playstation kaya kung anu-ano na lang ang naiimbentong laro na puedeng gawin sa kalsada o sa isang bakanteng lote.  Pero kung anuman ang dahilan sa pagkakapare-pareho natin ng karanasan, Masaya na rin akong nagging bata ako sa panahong ito.  Masarap alalahanin at balik-balikan, no?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s