Minsan, mayroong mga taong dumarating sa ating buhay na magdudulot ng kaligayahang ‘di mapapantayan… pagkatapos, sila’y mawawala at hindi na muling dadalaw. Ngunit mayroon din namang mga taong matapos magpaalam, ay magbabalik sa iyong buhay at paminsan-minsa’y maghahatid pa rin ng ngiti sa puso.
Kagabi, nakita ko ang akin. At para sa kanya na pabugso-bugso, isang tula.
Ang Ulat ng Panahon (krisdel muñoz)*
Manakanakang pag-ulan —
Sa kasamaang palad,
Ganoon ka…
Hanggang ngayon.
Tira-tira ka ng isang minsang tifon.
At sa kabila ng malawakang ‘di makatarungang tagtuyot,
Ang mga patak mo’y pinapanatili ang aking
Mga kapuluang luntian.