Gawin Mo Ang Lahat Ng May Pag-Ibig

noong nakaraang gabi, napaginipan ko, mamamatay na raw ako. mahaba yung panagip pero ang tumatak na lang sa utak ko pagkagising ko ay yung eksena ng aking dapat na kamatayan.

nasa bahay namin ako at papunta sa may sala, kung saan, sa labas ng bintana, may isang matandang lalaking nakalutang. nakabukas ang kanyang palad at hinihintay nya akong kunin ko ito. hindi ko siya kilala, pero ang alam ko lang, kailangan kong sumama sa kanya. nakasuot siya ng puti pero may pulang tela na nakasabit sa pangtaas niya. parang sash. ako naman, nakasuot rin ng telang pula at umiiyak dahil sa aking napipintong pagpanaw.

naglalakad ako nang marahan, papunta sa sala at wala akong ibang nasa isip kundi yung mga taong aking maiiwan. binubulong ko, kung sino man ang nakikinig, na sana, alagaan na lang ang aking pamilyang matitira. malapit na ako sa bintana, papalapit sa matanda nang mapansin ko na sa may sulok, malapit din sa may bintana, may isang babaeng nakaputi at nakayuko. hindi ko makita ang mukha niya kasi natatakpan ng kanyang mahaba at magulong buhok. habang umiiyak pa rin ako, bigla siyang nagsalita na,

“basta, i-promise mo, gagawin mo ang lahat ng bagay na may pag-ibig.”

hindi ko naintindihan kung bakit niya sinabi ‘yun dahil sa isip ko, paano ako makakagawa ng mga bagay na may pag-ibig kung patay na ako. sa isang iglap, nasa labas na ako ng bintana, at marahan na akong lumulutang sa ere. yung lalaki, masaya at magaan ang pakiramdam na nakuha na niya ako. naiakay paitaas. ako naman, lumuluha na lang nang bahagya.

sa mga sandaling iyon, nararamdam ko na na malapit ng magising nang husto ang aking diwa. kaunti na lang at didilat na rin ako. kumbaga, naiipit ako sa dalawang mundo ng panaginip at totoong buhay. malapit na ako sa may bubong nang maisip ko na hindi pa ako puedeng mamatay nang tuluyan kasi kinontrata ko yung aso ko, noong nabubuhay pa siya, na kapag oras ko na ay isa siya sa mga susundo sa akin. pagkatapos kong maisip ‘yun, biglang lumabas yung aso ko. may pula ring tela sa may leeg niya. masaya siya, at nagtatalon pa nga sa bubong. napagtanto ko na mas gising na yung utak ko at nako-kontrol ko na yung panaginip. napapalabas kung ano yung gusto kong palabasin. pagkatapos noon, nagising na ako.

hmm… ang poetic naman nung panaginip! hanggang ngayon, iniisip ko kung sa paanong paraan ko pa magagawa ang mga bagay bagay ng may pag-ibig.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s